Patakaran ng Paggamit

1 Sumasailalim sa Mga Patakaran ng Paggamit; saklaw ng paggamit
1.1. Ang mga sumusunod na patakaran sa ibaba ang namamahala sa paggamit ng mga larong online at iba pang mga serbisyo na ipinagkaloob ng Gameforge sa mga web page nito. \tSa pamamagitan ng pagrerehistro o pag-log in sa portal page ng Gameforge, sa www.mmogame.com, ang mga gumagamit ay pumapasok sa kasunduan na ito sa Gameforge 4D GmbH para sa mga base sa kliyente na larong online – hal., iyong mga nangangailangan ng pag-download ng kliyente. Sa mga ganitong kaso, ang Gameforge Productions GmbH ay kumakatawan lamang bilang isang kahaliling ahente ng Gameforge 4D GmbH tungkol sa pagrerehistro at pag-login.
1.2. Ang mga Patakaran ng paggamit na ito ay ganap na pinapalitan ang nakaraang mga salin na Patakaran ng Paggamit ng Gameforge.
1.3. Naghahandog ang Gameforge ng mga larong online at iba pang mga serbisyo na nasasaklaw sa balangkas ng mga kakayahang tekniko at operasyon nito na may humigit-kumulang na 98% na pagkahandang magamit taun-taon,hindi kasama dito ang mga panahon na \tkung \tsaan ang paggamit ng larong online at iba pang mga serbisyo ay naabala o ipinagbabawal\tsanhi ng maagap na kailangan lutasing problemang teknikal o bilang isang resulta ng kinakailangan na pagkukumpuni, kung saan walang pinanghahawakan na pananagutan ang Gameforge sa ilalim ng mga nakasaad dito na patakaran.
1.4. Patuloy na gumagawa, naga-update at pinaangkop ng Gameforge ang mga larong online at serbisyo nito.\tKung kaya’t, ang mga gumagamit ay maaari lamang sumali sa kani-kaniyang larong online at serbisyo sa kanilang dating bagong bersiyon.
1.5. Ang mga larong online at iba pang mga inihahandog na serbisyo ng Gameforge ay ipinagkakaloob para sa layunin lamang ng paglilibang at hindi maaaring gamitin para sa layunin na may gantimpalang pananalapi o pang-negosyo.
1.6. Pananagutan ng gumagamit na tiyakin ang pagiging tugma at pagkaka-angkop ng anumang software at hardware na ginamit.
1.7. Bilang karagdagan sa Mga Patakaran ng Paggamit na ito, gagamitin ang mga tuntunin ng larong online, kung mayroon man. Hanggang sa naabot na ang Mga Patakaran ng Paggamit na ito ay sumalungat sa mga tuntunin ng laro, ang mga patakaran na nakasulat dito ang mananaig. Para sa mga indibiduwal na larong online, kabilang na ngunti hindi limitado sa mga pagkakaiba at/o mga bahagi dulot noon, at pati na rin ang mga indibiduwal na mga serbisyo sa mga web page ng Gameforge ay lalo pang sumasailalim sa mga natatanging mga patakaran ng paggamit, na ipapahayag sa mga gumagamit bago ito magamit.
1.8. Sa ilang mga larong online at serbisyo, may opsyon ang mga gumagamit na pakinabangan ang mga serbisyo na inihahandog ng mga \tkontratista ng\tGameforge. Sa ganitong kaso, isang hiwalay na kontrata sa pagitan ng gumagamit at nasabing kontratista \tng Gameforge ang gagamitin, kung saan maunang ipagbibigay-alam sa isang maayos na paraan sa gumagamit.
1.9. Ang kakayahang magamit ng mga tuntunin at kondisyon sa gumagamit na buhat sa mga Patakaran at Kondisyon na ito ay sumasailalim sa naunang nakasulat na pahintulot ng Gameforge.
2 Pagwawakas
2.1. Upang magamit ang mga larong online at iba pang mga serbisyo na inihahandog ng Gameforge, kinakailangang magparehistro ng mga gumagamit.
2.2. Ang mga indibiduwal lamang ang pinapahintulutan na magparehistro, at mga indibiduwal na tao lamang (walang grupo, pamilya, nga kinakasama, at iba pa) ang tinatanggap bilang mga gumagamit. Ang mga gumagamit na menor de edad ay dapat na patotohanan at tiyakin na nakuha nila ang pahintulot ng legal na tagapag-alaga nila bago magparehistro.
2.3. Sa pagpaparehistro, kailangan magbigay ang gumagamit ng pangalan ng manlalaro at pati na rin ang isang e-mail address na nakarehistro sa kanila. Ang gumagamit ay walang karapatan na gamitin ang pangalan ng manlalaro na kanilang ninanais Ang mga pangalan ng manlalaro ay \thindi dapat lumabag sa karapatan ng pangatlong partido at hindi rin dapat makainsulto.Dagdag pa rito, walang e-mail o URL ang maaaring piliin bilang pangalan ng manlalaro. Pinatotohanan at tinitiyak ng mga gumagamit \tna lahat ng mga impormasyon na kanilang ipinagkaloob habang nagpaparehistro sa Gameforge ay wasto at kumpleto.
2.4. Ang mga gumagamit mismo ang dapat magrehistro; hindi sila maaaring irehistro ng pangatlong partido, kabilang na ngunit hindi limitado doon sa mga nakarehistrong indibiduwal na may iba’t ibang uri ng tele-service na may kakayahang pang-komersiyo(mga serbisyo ng pagpaparehistro).
2.5. Ang mga pagpaparehistro ay pinapahintulutan sa portal at larong online na pages ng Gameforge sa pamamagitan ng isang email ng kumpirmasyon, na nagkakaloob sa mga gumagamit ng isang activation link. Sa ganitong mga kaso, pinapagana ng Gameforge ang account ng gumagamit / manlalaro kung at kapag na-click ang activation link. Sa sandaling napagana ng Gameforge ang isang account o pinahintulutan ang isang gumagamit, ang nasabing gumagamit at ang Gameforge ay pumapasok sa isang kasunduan sa paggamit na walang takdang panahon na sumasailim sa mga patakaran na ito. Sa ilang mga kaso, ang proseso ng pagpaparehistro ay maaaring tumiliwas mula sa pamamaraan na ibinalangkas sa itaas, kung sa gayon ay ipagbibigay-alam sa gumagamit sa pamamagitan ng isang maayos na paraan.
2.6. Sa sandaling ang mga gumagamit ay matagumpay na nakarehistro, maaari silang lumikha at mag-isang pangasiwaan ang kanilang mga user account. Ang user account ay maaaring gawin sa portal page ng Gameforge at pati na rin kahit na anong page ng larong online Ang user account na ginawa sa portal page ng Gameforge ay maaari ring gamitin para sa iba pang mga larong online ng inilagay ng Gameforge sa portal nito sa pamamagitan ng mga link. Sa salungat, ang mga user account na nilikha sa isang page ng larong online ay hindi maaaring gamitin para sa ibang mga larong online.
2.7. Ang mga user account ay hindi maaaring ilipat ng walang maliwanag na pagpapahayag ng Gameforge.
2.8. Ang mga gumagamit ay walang karapatan na marehistro at mapapasok, at maaari lamang silang magparehistro ng isang beses kada round (hal., World, Universe, atbp.) sa mga browser game. Kung ang gumagamit ay nakarehistro na para sa round, siya ay hindi papayagan na magparehistro sa parehong round para sa pagtatagal ng kasalukuyang rehistrasyon (hal., sa pamamagitan ng paglagay ng iba o medyo kakaibang personal na impormasyon).
3. Pahayag ng Pagpapawalang-Bisa
Karapatan sa pagpapawalang-bisa
Ikaw ay may karapatan na pawalang-bisa ang iyong kasunduan sa pamamagitan ng kasulatan (hal., lihan, facsimile, email) sa loob ng dalawang linggo. Hindi kinakailangang magbigay ng dahilan. Ang dalawang linggo na panahon ay magsisimula sa sandaling \tmatanggap ang nasabing nakasulat na pahayag, at ngunit hindi mas maaga kaysa sa pagtatapos o kasiyahan ng aming mga tungkulin sa pagpapahayag na alinsunod sa § 312c(2) ng German Civil Code (Bürgerliches Gesetzbuch) na may kaugnayan sa § 1, (1),(2) at (4) ng odinansa sa pagpapahayad ng BGB (BGB InfoV) at pati rin ang aming obligasyon batay sa § 312e, (1) pangungusap 1 BGB bilang kaugnayan sa § 3 BGB InfoV. Upang magkabisa, ang mga pahayag ng pawalang-bisa ay kailangan lamang ipamigay sa tamang panahon at dapat na ipadala sa: Gameforge Productions GmbH, Albert-Nestler-Strasse 8,76131 Karlsruhe
Mga Epekto ng Pagpapawalang-bisa
Sa sandaling mayroong mabisang pahayag ng pagpapawalang-bisa, ang nasabing mga serbisyo na maaaring natanggap at ang nasabing mga benepisyo (hal. mga interes) na maaaring natamo sa bawat panig ay maaaring baliktarin at/o isauli. Sa sandaling hindi mo maibabalik at/o isauli ang lahat ng mga natanggap na serbisyo na iyong natanggap mula sa amin sa kondisyon kung saan ipinagkaloob ang mga ito, maaaring may obligasyon kami na magbayad kung naaangkop. Ang mga obligasyon na isauli ang mga bayad ay kailangan na masiyahan sa loob ng 30 araw mula ng petsa kung saan ang iyong pahayag ng pagpapawalang-bisa ay naibigay o, sa aming kaso, ay natanggap.
Mga natatanging tuntunin
Ang iyong karapatan sa pagpapawalang-bisa ay magpapaso ng mas maaga sa itinakda kung (i) nasimulan na ng Gameforge na ibigay ang serbisyo ng mayroong maliwanag na pahintulot mula sa iyo o (ii) ikaw mismo ang nagpasimula ng nasabing serbisyo bago ang petsa na pagpapaso para sa pagpapawalang bisa. Ito ang kaso na inaakala kung ikaw ay lumahok sa mga larong online o nakinabang sa iba pang mga serbisyo.
Pagtatapos ng pahayag ayon sa pagpapawalang-bisa
4 Mga obligasyon ng gumagamit
4.1. Data ng gumagamit
Sumasang-ayon ang gumagamit na ipagbigay-alam sa Gameforge ang lahat ng panghinaharap na pagbabago sa impormasyon na kanilang ipinagkaloob bilang bahagi ng proseso ng pagpaparehistro, kabilang na ngunit hindi limitado sa mga pagbabago sa kanilang e-mail address. Ang mga gumagamit ay obligado, ayon sa kahilingan ng Gameforge, na patotohanan na ang kanilang impormasyon ay wasto.
4.2 Log-in data, Mga ID, mga password
4.2.1. Ang gumagamit ay obligado na panatilihin ang mahigpit na kompidensyal ang login na impormasyon, mga ID at mga password. Hindi dapat ipasok ng mga gumagamit ang login na data sa mga web page maliban doon sa pinapagana ng Gameforge.
4.2.2. Ang katawagan na “log-in data” , ”mga ID” at ”mga password” ay tumutukoy sa mga kombinasyon ng mga letra at/o titik at/o \tnumero na ginagamit upang patunayan ang gumagamit at upang huwag pahintulutan ang paggamit ng hindi awtorisadong pangatlong partido. Ang mga password ay dapat hindi kapareho sa pangalan ng manlalaro at kailangan \tna ito ay binubuo ng kombinasyon ng mga numero at mga letra.
4.2.3. Ang gumagamit ay obligado na pangalagaan ang login data, mga ID at mga password laban sa paggamit ng walang awtorisasyon na pangatlong partido.
4.2.4. Sa kaganapan na ang mga gumagamit ay may dahilan na paniwalaang may mga pangatlong partidong nakatamo, o maaaring nakatamo, ng nasabing impormasyon, dapat nilang ipaalam ito kaagad sa Gameforge at baguhin ang kanyang data o ipabago ito \tsa Gameforge. Sa ganitong kaso o sa pangyayari na may dahilan ang Gameforge para sa paghihinala ng walang pahintulot na paggamit ng data, may karapatan \tang Gameforge na haranging\tpansamantala ang pagpasok ng gumagamit. Ang mga karapatan na pumasok ay mapapanumbalik sa sandaling ang walang pahintulot na paggamit ng data ay hindi na pinaghihinalaan.
4.2.5. Sa kahit na anong pagkakataon, ang gumagamit ay may karapatan na gamitin ang login data ng ibang gumagamit, maliban kung ang mga tuntunin ng laro ay nagkaloob ng pagpapaliban.
4.3 Ang paggamit ng mga web page ng Gameforge at mga nilalaman ng web page
4.3.1. Ang mga web page ng Gameforge ay naghahandog ng iba’t ibang uri ng nilalaman na pinoprotektahan para sa kapakinabangan ng Gameforge o ng mga pangatlong partido sa ilalim ng tatak-pangkalakal, copyright o iba pang mga batas. \tMaliban kung ang mga Patakaran ng Paggamit na ito ay tiyak na ipinagkakaloob ang salungat, ang mga gumagamit ay hindi pinapayagan na iproseso, kopyahin, ipamahagi, ilathala o gamitin para sa pagpapatalastas o gamitin ito \tsa labas ng napagsang-ayunan sa kontrata na layunin ng mga web page ng Gameforge o ang nilalaman o kahit na anong bahagi mula doon. Pinapahintulutan lamang ang pagpaparami para sa dahilang teknikal at pag-browse. Ang kasalukuyang pagpaparami ay ipinagbabawal para sa layuning pribado. Ang mga impormasyon sa copyright at tatak-pangkalakal ay hindi dapat baguhin, pigilan o tanggalin.
4.3.2. Ang " mga nilalaman" ay tumutukoy sa lahat ng mga data, imahe, teksto, grapika, musika, tunog, pagkasunod-\tsunod ng tunog, videos, programs, mga software code at iba pang impormasyon na ipinagkaloob ng Gameforge sa kanilang mga \tweb page,kabilang na ngunit hindi limitado sa mga serbisyong inihahandog para ma-download.
4.3.3. Ang gumagamit ay nangangako na magtimpi mula sa (i) kahit na anong hakbang na maaring ilagay sa panganib o abalahin ang \twastong pagganap ng mga web page ng Gameforge o anumang mga serbisyo na inihahandog sa ibabaw noon, at (ii) pagpasok sa ipibagbabawal na data ng walang pahintulot. Ang mga nilalaman na inihahandog ay maaaring makita lamang sa isang paraan na katugma sa ikalulugod ng ibang mga gumagamit sa mga web page at mga nilalaman ng Gameforge. Ang data o software na may kakayayahan na maka-apekto sa software o hardware ng tumatanggap ay hindi maaaring ilipat.
4.3.4. Ang paggamit ng mga web page ng Gameforge para sa layunin na pangkalakal, kabilang na ngunit hindi limtado sa pagpapatalastas, ay sasailalim sa maliwanag na paunang nakasulat na pahintulot ng Gameforge.
4.3.5. Ang gumagamit ay walang karapatan na ipalathala ang nilalaman ng mga web page ng Gameforge.
4.3.6. Ang mga web page ng Gameforge ay hindi maaaring magamit gamit ang anonynization o hindi pagpapakilala na serbisyo na itinatago ang tunay na IP address ng gumagamit.
4.4. Mga link
Pinapayagan na magtatag ng link sa mga web page ng Gameforge basta’t ang mga link ay magsisilbi bilang pantukoy sa impormasyon lamang. Nakareserba sa Gameforge ang karapatan na bawiin ang pahintulot na ito. Hindi pinapayagan na isama o ipakilala sa mga web page o nilalaman ng Gameforge patungo sa o sa isang frame gamit ang isang hyperlink.
4.5. Ang paggamit ng software ng kliyente
Ng may respeto sa mga inihahandog (kasama ang mga laro), ang paggamit na kumakailangan ng instalasyon ng software ng kliyente, pinapahintulutan ng Gameforge ang mga gumagamit ang hindi-ekslusibo (simple) na karapatan na i-install at gamitin ang nasabing software ng kliyente hanggang sa saklaw lamang na kinakailangan para sa napagsang-ayunan na paggamit mula doon. Ang software ng kliyente ay hindi dapat gamitin para sa anumang layuning pangkalakal. Maliban kung ipinagkakaloob ito sa ipinaiiral na batas, ang software ng kliyente ay hindi maaaring baguhin, ang code ng program na ipinagkaloob ay hindi dapat na isalin muli sa ibang mga code (decompilation) at ang iba’t ibang mga yugto ng paggawa ng software ay hindi maaaring suriin ng pabalik sa pagkakalikha (reverse engineering).
5 Mga natatanging patakaran para sa paggamit para sa larong online
5.1. Maliban kung ang mga tuntunn ng larong ipinagkaloob na maipapaliban, ang mga gumagamit ay ipinagbabawal sa nag-iisang user account sa bawat round (hal., World, Universe, atbp.). Ang paggamit ng maraming mga user account ay hindi pinapayagan, at ang Gameforge ay maaaring, kung piliin nito, tanggalin o hadlangan ang maraming mga user account sa kahit na anong oras.
5.2. Ipinagbabawal sa gumagamit ang pagbabago o paggagambala sa mga larong online. Partikular na, ang mga gumagamit ay hindi dapat na magsagawa ng mga paraan, mekanismo o software na maaaring makagambala sa pagganap ng laro o sinadyang kurso. Kapareho din, ang mga gumagamit ay hindi maaaring magpatupad ng mga hakbang na maaaring magpabigat sa teknikal na kakayahan haggang umabot sa isang hindi makatuwiran o lubusang antas. Ang mga gumagamit ay hindi pinapayagan na hadlangan, patungan o baguhin ang mga nilalaman na ginawa ng awtoridad sa paglalaro o `di kaya`y humadlang sa mga larong online.
5.3. Ipinagbabawal din sa gumagamit ang pagpasok sa larong online (kasama ang kahit na anong indibiduwal na mga web page) gamit ang mga program maliban sa web browser o ang program na ipinagkaloob ng kliyente. Ito ay ganap na totoo para sa naturingang mga bots at iba pang mga tool na ginawa upang palitan o baguhin ang mga Web interface. At ipinagbabawal rin ang mga script na ganap o isang bahagi ng awtomatikong mga programa na nagbibigay sa mga gumagamit ng kalamangan laban sa ibang mga manlalaro, kabilang na ang auto-refresh na tampok at pati na rin ang mga kasama sa web-browser na mekanismo kung saan kinabibilangan ang mga awtomatikong pagkilos.
5.4. Ang gumagamit ay hindi maaaring gawin sa kahit na anong pagkakataon ang:
a) \tlumikha o gumamit ng pandaya, mods at/o hacks o gumamit ng ibang pangatlong partido na software na produktong \t\t\tmaaring makapagpabago sa karanasan ng manlalaro sa larong online;
b) \tang paggamit ng software na may layunin na humukay ng data o iba pang ”catch” o magkolekta ng impormasyon na may kaugnayan sa mga larong online;
c) \tang pagbili o pagbenta para sa "tunay” na pera, makipagpalit o ’di kaya’y maglagay ng virtual na bagay na ginamit sa mga larong online upang magamit sa labas ng nasabing mga larong online,
kabilang sa pamamagitan ng pag-iwas, mga kaparehong kilos o kilos kung saan ang mga epekto sa sumasailalim sa nabanggit sa itaas ng mga ipinagbabawal.
5.5. Ang paggamit ng mga tool sa pagpigil sa patalastas ay ipinagbabawal. Para sa layuning ito, walang inaasahang resulat kung ang mga tiyak na anunsyo lamang ay pinipigilan o ang naturingan na pop-up blocker o mga text-based software ay ginagamit upang hadlangan ang mga patalastas na maipakita.
5.6. Ang mga gumagamit ay maaaring mag-login lamang sa umpisang pahina ng laro o sa portal page ng Gameforge. Ang mga user account ay hindi dapat na buksan ng awtomatiko kahit na ipinakita ang umpisang pahina.
5.7. Ang lahat ng mga karapatan sa mga virtual na bagay na ipinagkaloob sa mga larong online laban sa isang singilin na namihasa sa nag-iisang benepisyo ng Gamefore at/o ng mga awtorisadong nakakontrata. Totoo rin ang para sa mga virtual na bagay na nilikha ng mga gumagamit, na nagkaloob sa Gameforge, sa buong mundo, na walang katapusan at walang limitasyon, ng isang eksklusibong karapatan na kapakipakinabang sa paggamit ng nasabing mga bagay, na sumasaklaw sa kanilang pagpaparami, pamamahagi o pagpoproseso. Ang mga gumagamit ay mayroon lamang karapatan sa hindi-eksklusibong karapatan para sa kapakipakinabang na paggamit ng nasabing mga bagay, na limitado sa patakaran ng kasunduan.
6 Mga natatanging patakaran sa paggamit sa pamamagitan ng komunikasyon (hal. ang mga forum ng talakayan, chat, komentaryo na tampok) sa mga web page ng Gameforge
6.1. Maaaring magkaloob ang Gameforge, ngunit ang mga gumagamit ay walang karapatan, sa iba`t ibang paraan ng komunikasyon (kabilang ngunit hindi limitado sa forum ng talakayan, chats, blogs, mga guest book, atbp. at pati na rin ang tampok ng komentaryo), para malathala ng gumagamit ang sariling nilalaman at mga kontribusyon sa mga web page ng Gameforge. Ang mga gumagamit ay pinapahintulutan ng pakinabangan ang nasabing mga paraan sa saklaw na handang magamit. Pinangangasiwaan lamang ng Gameforge ang palitan ng impormasyon sa pamamagitan ng teknikal na paraan.
6.2. Ang mga gumagamit ay mayroong nag-iisang responsibilidad para sa kahit na anong nilalaman at kontribusyon na kanilang ipasok upang iseguro at bigyang pananagutan ang Gameforge na hindi nakakapinsala mula sa at laban sa mga paghahabol ng pangatlong partido. Habang tiyak na hindi inaangkin ng Gameforge ang pagmamay-ari ng mga nilathala ng gumagamit na mga komentaryo, ang mga gumagamit ay nagpapahintulot sa Gameforge ng permanente, hindi mababawi at hindi eksklusibong mga karapatan na gamitin ang mga nilalaman at kontribusyon na kanilang ipinaskil. Pinagbibigyang-diin ng Gameforge na hindi nito aktibong binabantayan ang mga nilalaman ng gumagamit na nakalathala sa mga pahina nito. Sa halip, walang pagkakasunod-sunod na kumukuha ng halimbawa aito mula sa mga nasabing nilalaman, at ang bawat gumagamit ay mayroong opsyon na i-ulat ang mga nalathala sa Gameforge na maaaring lumabag sa umiiral na batas, na kung saan tutugon ang Gameforge sa lalong madaling panahon at baguhin o tanggalin ang mga naka-flag na nilalaman kung kinakailangan.
6.3. Ang gumagamit ay pinagbabawalan na gumamit ng anumang kagamitan, kabilang na ngunit hindi limitado sa mga paraan ng pakikipag-ugnayan na handang makuha sa mga web page ng Gameforge, upang maglathala o mamahagi ng mga nilalaman mula dito na:
a) \tlumalabag sa ipinapatupad na batas o umiiral na mga moral at etikal na pamantayan;
b) \tlumalabag sa mga tatak-pangkalakal, patente, industriyal at iba pang nakarehistrong disenyo, mga copyright, mga sekreto sa kalakal o iba pang \tkarapatan ng pangatlong partido;
c) \tmasagwa, rasista, marahas, pornograpya, may likas na pornographic o kaya’y ang kapakanan o pag-uugali ng mga bata at kabataan ay magsapanganib;
d) \tlikas na nakakasakit, nananakot o naninirang-puri;
e) \tmay chain letter o snow-ball na mga sistema;
f) \tmaling gumagawa ng impresyon na inilathala o itinataguyod ng Gameforge;
g) \tsumasangguni sa personal na data ng mga pangatlong panig na wala ang kanilang maliwanag na pahintulot;o
h) \tlikas na para sa pangangalakal at/o nagsisilbi para sa layunin ng pagpapatalastas.
6.4. Ang mga URL, kompanya o mga produkto ay hindi dapat ipangalan kung at sa saklaw na ang mga ito ay unang napakilala para sa layunin ng pagpapatalastas.
6.5. Ang lahat ng gumagamit ng komunikasyon na inilaan sa mga web page ng Gameforge ay obligado na ipahayag ang kanilang sarili sa isang hindi nakakasakit na paraan at iwasana ang nakakasakit na pagpintas o pag-atake sa iba.
6.6. Walang respeto sa mga karapatan ng iba sa ilalim ng mga Patakaran ng Paggamit na ito, ang Gameforge ay may karapatan na baguhin o tanggalin ang anumang bahagi ng mga nilalaman at mga kontribusyon na inilathala na lumalabag sa mga tuntunin na ito. Ang Gameforge ay may dagdag na karapatan para sa pansamantala o permanenteng hindi pagkasama mula sa paggamit ng mga larong online, pagpasok sa mga web page ng Gameforge at iba pang mga serbisyo ng kahit na sinong lumalabag sa mga tuntunin na ito.
7 Mga konsekuwensiya ng paglalabag sa tungkulin
7.1. Ang Gameforge ay hindi mananagot sa kapinsalaan na resulta ng paglalabas sa tungkulin na dulot ng gumagamit.
7.2. Kahit isama ang mga bagay na walang kaugnayan sa lahat ng iba pang mga legal at nasa kontrata na karapatan, ang Gameforge ay maaaring, sa sariling opsyon nito, isagawa ang mga sumusunod na kilos sa kaganapan na ang mga gumagamit ay sadyang lumabag sa ipinapatupad na batas, mga karapatan ng pangatlong partido, ang Mga Patakaran ng Paggamit na ito o kahit na anong ipinaiiral na tadhana o tuntunin na tiyak na para sa laro:
a) \tbaguhin o burahin ang nilalaman;
b) \tmagbigay ng babala sa gumagamit;
c) \tmarkahan ng flag ang masamang-asal sa kani-kaniyang larong online at kilalanin ang mga may pananagutan na gumagamit,
d)\t pansamantala o permanente na pagtanggi sa mga gumagamit na gamitin ang kahit na anong laro at/o web page ng Gameforge,
e) \thindi isali ang mga gumagamit,
f) \tmagpapalabas ng pansamantala o permanenteng pagbabawal sa lahat ng mga web page ng Gameforge sa pagkakataon ng paglalabas sa Seksyon 6 ; o
g) \tkaagad na ipatupad ang pagtatapos ng kasunduan sa gumagamit.
7.3. Kung ang gumagamit ay hinarang o pinaalis, hindi na siya maaring magparehistro muli ng walang naunang pahintulot ng \tGameforge. Walang karapatan para sa pagtanggi sa pagpapalayas, tunay na pagbabawal mula sa bahay o iba pang \thakbangin.
8 Mga Singil sa Gumagamit
8.1. Maliban kung tiyak na pinahayag, ang paggamit ng larong online at iba pang mga serbisyo ay walang bayad.
8.2. Gayon pa man, ang gumagamit ay maaring bumili ng ilang mga serbisyo at indibiduwal na tampok na \tinaalok bilang kaugnayan sa larong online, kung saan hiwalay na ipagbibigay-alam sa kanila ang ukol, na may koneksyon sa nasabing mga laro, ang kalikasan ng nasabing mga tampol, kabilang na ngunit hindi limitado sa kanilang mga pagganap, panahon na maaaring magamit, mga singili at pati na rin ang mga paraan ng pagbabayad.
8.3. Ang mga menor de edad na nais na bumili ng mga tampok na nagpapatotoo at gumagarantiya na ang mga pondo na ginamit upang bayaran ang nasabing mga tampok ay ginawang handa para sa kanila para sa layunin na ito, o inilaan upang magamit nila, ng kanilang mga legal na tagapag-alaga.
8.4. Ang naaangkop na singilin ay dapat bayaran sa pagtatapos, kasama ng bayad na karaniwang kinokolekta ng tagabigay-serbisyo na nangangasiwa ng proseso ng pagbayad. Ang mga bayad ay maaaring kolektahin sa loob ng ilang araw mauna upang tiyakin ang hindi nagagambala na pagkagamit ng mga serbisyo. Ang mga Tuntunin at kondisyon na ipinatupad ng nasabing mga tagabigay-serbisyo, kung mayroon man, ang gagamitin bilang karagdagan sa mga Patakaran ng Paggamit.
8.5. Pinatotohanan at ginagarantiyahan ng mga gumagamit na anumang impormasyon na ipinagkaloob bilang bahagi ng proseso ng pagbayad (kabilang na ngunit hindi limitado sa impormasyon ng bangko, mga numero ng Credit card, atbp) ay totoo at wasto.
8.6. Ang mga paraan ng pagbabayad ay nag-iiba iba ayon sa larong online, ang bansa ng gumagamit at pati na rin ang paraan at teknolohiya na magagamit. Nakareserba ang karapatan sa Gameforge na baguhin ang mga paraan ng pagbabayad sa kahit na anong oras.
8.7. Ang Gameforge ay may karagdagan pang karapatan na baguhin ang mga singilin para sa tampok sa loob ng laro (kasama na ang mga virtual na salapi), na sinasaklawan ng karapatan na babaan o itaas ang mga takdang halaga para bawat isang tampok sa loob ng laro para sa panghinaharap na pagbili ng tampok.
8.8. Nakareserba ang karapatan ng Gameforge na baguhin ang singil para sa mga tampok ng laro (kasama dito ang tunay na \tpera). \tKasama dito ang karapatan ng Gameforge na bawasan o dagdagan ang singil para sa indibiduwal na tampok ng laro.
8.9. Kung sakali na hindi makabayad, may madadagdagan na interes na naayon sa batas. Ang Gameforge ay may karapatan din na \tharangin ang user account, upang makabawi sa mga pinsala at hintuin ang serbisyo.
9 Limitasyon ng pananagutan
9.1. Ang gumagamit ay direktang mananagot sa pangatlong partido sa mga paglabag sa kanilang karapatan. Pumapayag ang \tgumagamit na bayaran ang Gameforge para sa lahat ng pinsala na nagmula sa hindi pagtupad ng obligasyon sa patakaran \tng paggamit na ito. Pinapalaya ng gumagamit ang Gameforge mula sa lahat ng paghahabol, na ang ibang gumagamit o ibang \tpangatlong partido ang nagsampa laban sa Gameforge dahil sa paglabag sa kanilang karapatan sa nilalaman na inilagay ng \tgumagamit o dahil sa paglabag ng ibang obligasyon. Ang gumagamit ang magbabayad para sa gastos ng legal na \ttagapagtanggol ng Gameforge kasama na ang lahat ng gastos ng abogado at korte. Hindi ito gagamitin kung ang gumagamit ay \twalang pananagutan sa pagkakalabag.
9.2. Ang pananagutan ng Gameforge, sa anumang legal na dahilan, kung ito ay dahil sa maling pangangasiwa sa kontrata o \tpaglabag sa tungkulin ay mapapasyahan sa huli na alinsunod sa sumusunod na patakaran:
9.2.1. Kung saan ang Gameforge ang magbibigay ng kani-kanyang dahilan ng pananagutan sa serbisyo ng walang bayad, ang \tGameforge ay may pananagutan lamang para sa malisiya at lubos na kapabayaan.
9.2.2. Kung sakali na may siningil na serbisyo, ang Gameforge ay may buong pananagutan para sa malisya at lubusang \tkapabayaan at pati na kung mayroong kaso ng personal na kapinsalaan, para sa maliit na kapabayaan dahil sa paglabag sa \tobligasyon ng kontrata, sa kakulangan ng Gameforge at di-ikaaari. Ang pananagutan sa paglabag sa obligasyon ng kontrata \tay limitado sa kauri na pinsala sa kontrata, na kailangan asahan ng Gameforge sa pagtatapos ng kontrata batay sa alam na \tkalagayan ng panahon na iyon.
9.2.3. Walang pananagutan ang Gameforge para sa kaguluhan sa loob ng network na hindi sanhi ng Gameforge.
9.2.4. Para sa nawalang data ang Gameforge ay walang pananagutan alinsunod sa naunang mga talata, kapag ang pagkawala ay \tmaiiwasan sa pamamagitan ng sapat na hakbangin na backup ng gumagamit.
9.2.5. Ang naunanglimitasyon ng pananagutan ay hindi magagamit kung sakaling may malinaw na garantya ang Gameforge, sa kaso \tng malisiya at pinsala sa dahilan ng kawalan ng buhay, biyas o kalusugan at pati rin kung sakaling may iniuutos na regulasyon \tna ayon sa batas.
10 Panahong itatagal ng kontrata; pagbura ng user accounts
10.1. Maliban kung ipinahayag sa kani-kanyang larong online o iba pang mga serbisyo, ang kontrata para sa paggamit ng \tGameforge portal at larong online at iba pang inihahandog na serbisyo ay para sa walang taning na panahon. Ito ay \tnagsisimula sa pagpaparehistro o sa aktibasyon ng Gameforge.
10.2. Ang kontrata ay maaring tapusin ng sinuman sa dalawang partido, kahit kailan at may madalian na epekto, sa kondisyon na \twalang napagkasunduang pansamantalang panahon ng kontrata. Kung may napagkasunduang pansamantalang \tpanahon ng \tkontrata, ito ay maaring tapusin ng wasto sa makalipas lamang ang nasabing panahon. Kung ito ay hindi nakansela, ang \tkasalukuyan \tna pansamantalang
10.3. Sinuman sa dalawang partido ay may karapatan na tapusin ang kontrata na may dahilan na hindi kinakailangan magbigay ng \tabiso. Ang mahalagang dahilan ay bumubuo, lalong-lalo na kung at kapag:
a) ang gumagamit ay hindi makabayad ng singilin at nabigo na bayarain kahit na binigyan ng paalala;
b) \tang mga gumagamit ay nakikilahok sa pag-uugali na nagpapasapanganib sa karanasan ng paglalaro ng ibang mga manlalaro;
c) \tang mga pandaraya, mods at/o "hacks" at pati ang iba pang mga software, kagamitan o scripts ay ginagamit hanggang sa mabago ang karanasan at/o mekanismo ng mga larong online;
d) \tang user account ay ginagamit upang laruin ng pangatlong partido, maliban kung nagkakaloob ng pagpapaliban sa mga tuntunin ng laro;
e) \tang user account makikinabang ng mga pangatlong-panig na account upang maglaro o gamitin ang maraming mga user account para sa nag-iisang larong online, maliban kung ang mga tuntunin ng inilaan na laro ay ipagpapaliban;
f) \tang mga gumagamit ay naglalagay ng mga tunay na bagay sa mga larong online upang gamitin sa labas ng nasabing mga larong online o tangka na ipagpalit o bumili o ibenta ang mga ito para sa "tunay" na pera; o
g) \tang gumagamit ay lumabag sa naaangkop na batas, sa mga Patakaran ng Paggamit na ito o mga tiyak na itinadhana sa laro o mga tuntunin.
10.4. Ang abiso ng pagtatapos ay kailangan ibigay sa pamamagitan ng kasulatan, email bilang tinatanggap na paraan ng nakasulat na komunikasyon.
10.5. Sa harap ng lehitimong dahilan (hal., pinahabang panahon ng kawalang-galaw), ang Gameforge ay may karapatan na \tkanselahin ang user account. \tBukod doon, ang Gameforge ay maaaring, sa opsyon nito, na burahin ang mga user account sa pagtatapos ng termino.
11 Pagkapribado
11.1. Ang personal na data ng gumagamit ay iniipon, pinoproseso o ginagamit maliban kung ang gumagamit ay nagdududa sa mga pahintulot at naaangkop na batas (hal. German Date Protection Act (Bundesdatenschutzgesetz) o German Telemedia Act (Telemediengesetz)) ay nangangaiswa o nagpapahintulot dito.
11.2. Para sa mga detalye, tingnan Pahayag sa Pagkapribado ng Gameforge.
12 Umiiral na batas, legal na lugar
12.1. Ang mga batas ng Federal Republic of Germany ang gagamitin sa hindi pagkakasama ng U.N. Convention on Contracts for the International Sale of Goods (CISG).
12.2. Para sa mga gumagamit na nabigong mapasailalim sa hurisdiksyon ng mga korte ng Germany o mga tagabenta (Kaufmann) sa loob ng kahulugan ng German Commercial Code (Handelsgesetzbuch), ang legal na lugar ang lokasyon ng mga rehistradong tanggapan ng Gameforge. Bilang karagadagan, ang Gameforge ay may karapatan na magdemanda sa mga legal na lugar ng mga gumagamit.
13 Ang mga pagbabago sa Patakaran ng Paggamit na ito, iba pa, mga komunikasyon, pagkalala
13.1. Nakareserba sa Gameforge ang karapatan na baguhin ang mga Patakaran ng Paggamit na ito Kapag naka-login, ipinagbibigay-alam sa mga gumagamit ang pagbabago sa mga Patakaran ng Paggamit sa portal ng Gameforge o anumang pahina ng larong online ng kahit man lamang dalawang linggo bago ang petsa ng bisa ng nasabing pagbabago. Bilang alternatibo, maaaring ipaalam ng Gameforge sa mga gumagamit sa email, sa pamamagitan ng pagpapaalam ng mga patakaran o pagkakaloob ng isang link sa web page ng Gameforge kung saan ang mga nabagong patakaran ay maaaring makita. Sa pamamagitan ng pag-login sa portal ng Gameforge o kahit na anong larong online makalipas na ang nabagong Patakaran ng Paggamit ay nagkabisa, ipapahayag ng mga gumagamit ang kanilang pagsasang-ayon sa bagong mga patakaran. Hiwalay na bibigyan ng abiso ng Gameforge ang mga gumagamit sa kahalagahan ng dalawang linggong panahon, ang karapatan na pawalang-bisa at ang mga legal na konsekuwensiya ng pagkahinto sa isang mainam na paraan.
13.2. Hindi maaaring ilipat ng mga gumagamit ang mga karapatan at obligasyon sa ilalim ng kasunduan na ito ng walang paunang nakasulat na pahintulot ng Gameforge.
13.3. Ang mga gumagamit ay maaaring magtakda ng mga panlaban na paghahabol kung at sa saklaw lamang na ang nasabing mga paghahabol ay mabisang natatag o nakilala ng Gameforge at hindi natutulan. Maaaring gamitin ng mga gumagamit ang karapatan ng pananatili lamang ukol sa mga paghahabol na nakasaad dito.
13.4. Maliban kung hindi nasaad sa mga Patakaran ng Paggamit na ito, karaniwang nakikipag-uganayan ang Gameforge sa mga gumagamit sa pamamagitan ng email. Tungkulin ng mga gumagamit na tiyakn na ang email account na nakarehistro sa Gameforge ay natingnan para sa mga mensage na mula sa Gameforge palagi. Kapag nakikipag-ugnayan sa Gameforge, kailangang kilalanin ng mga gumagamit ang (mga) larong online at mga user account kung saan sila sumasangguni.
13.5. Ang mga pagbabago at ang pansamantalang paghinto sa mga Patakaran ng Paggamit na ito, kabilang na ang pormal na kahilingan na ito, ay kailangan ipahayag sa pamamagitan ng isang kasulatan.
13.6. Sa kaganapan na ang bawat isang mga tadhana ng mga Patakaran ng Paggamit ay o nawalan ng bisa o lumalabag sa ipinaiiral na batas, ang natitirang mga tadhana mula dito ay magpapatuloy ng ganap at mabisa, at ang mga partido ay papalit sa hindi ipinatutupad na mga tadhana noong pinakamalapit sa kahulugang pang-ekonomiko at layunin ng walang bisang mga tadhana sa loob ng saklaw ng batas. Gagamitin din ang nabanggit sa mga kakulangan na natagpuan mula dito.


Karlsruhe, Ika-15 ng Enero, 2009

Gameforge Productions GmbH
Albert-Nestler-Strasse 8,
D-76131 Karlsruhe

Local Court Mannheim, Commercial Register Number: HRB 701682
Sales Tax Identification Number: DE254298652
CEO: Alexander Rösner


Navigation:

 -  Terms of Use Gameforge Productions GmbH - 
 - Gameforge Productions GmbH legal notice - 
 - Gameforge Productions GmbH Privacy Statement -